Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong-petrolyo

By Jan Escosio December 04, 2023 - 03:06 PM

Magkaiba ang magiging paggalaw bukas, Disyembre 5, sa presyo ng gasolina at krudo o diesel.

Sa mga abiso ng mga kompaniya ng langis, madadagdagan ng P0.30 ang presyo ng kada litro ng gasolina, samantalang katulad na halaga naman ang mabababawas sa diesel.

Samantala, walang magiging pagbabago sa presyo ng kerosene.

Una nang nag-anunsiyo ng “price adjustments” ang Shell, Seaoil, Cleanfuel at PetroGazz. Inaasahan naman na susunod sa hakbang ang iba pang kompaniya ng langis.

Noong nakaraang linggo, uamngat ng P0.30 ang presyo ng kada litro ng diesel, hindi nagbago ang presyo ng gasolina, samantalang P0.65 naman ang nadagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.

 

TAGS: diesel, gasoline, kerosene, oil price, diesel, gasoline, kerosene, oil price

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.