400,000 malicious sites naharang ng Globe mula Enero – Setyembre

By Jan Escosio December 04, 2023 - 12:36 PM

Kabuuang 404,730 sites at links na may kinalaman sa child pornography, illegal gambling, online piracy, at iba pang malicious content ang naharang ng Globe sa unang siyam na buwan ng taon.

Ang bilang ay mas mataas ng 45% kumpara sa 278,555  URLs at domains na naharang sa kaparehong panahon noong nakaraang taon kasunod ng pag-upgrade sa filtering capabilities ng Globe, kapwa sa mobile at broadband services.

Mas malaki ang pagtaas na naitala sa third quarter ng taon, kung saan ang bilang ng malicious sites na naharang ng Globe ay tumaas ng 70.8% sa 267,985, mula sa 156,857 na iniulat sa kaparehong quarter noong 2022.

Mula Enero hanggang Setyembre, ang Globe ay nakaharang ng 397,637 URLs (Uniform Resource Links), mas mataas sa 275,720 noong 2022.

Naharang din ang 4,795 domains ngayong 2023, mahigit tatlong beses na mas mataas kumpara sa 1,432 noong nakaraang taon.

Nakapokus sa child pornography, isa sa pinaka-karumal-dumal na krimen, na-block ng Globe ang 2,298 domains noong September 2023, kumpara sa 1,403 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“Our commitment to creating a safe online environment is unwavering. We recognize the critical role we play in combating illegal online activities, especially those that exploit the most children. Our increased efforts and investments in blocking access to illegal content are a testament to our dedication to this cause,” wika ni Anton Bonifacio, Globe’s Chief Information Security Officer.

Mula noong 2017, ang Globe ay nangunguna sa paglaban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) sa bansa sa pamamagitan ng #MakeITSafePH campaign nito, na nakahanay sa maigting na pakikidigma ng Philippine government laban sa OSAEC.

Namuhunan ang Globe ng $2.7 million sa mga sistema na dinisenyo upang salain ang content na may kinalaman sa child pornography, illegal gambling, at online piracy, na nagpapakita sa dedikasyon nito sa naturang kampanya.

TAGS: child pornography, Globe, online gambling, piracy, child pornography, Globe, online gambling, piracy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.