Bato dumistansiya sa “execution” ng China sa 2 Pinoy drug offenders

By Jan Escosio December 04, 2023 - 09:35 AM

SENATE PRIB PHOTO

Nalungkot si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pagpapatupad  ng China ng “death penalty” sa dalawang Filipino matapos mapatunayang nagkasala sa kasong drug trafficking.

Aniya masakit sa loob ang pangyayari ngunit kailangan na irespeto ang batas ng China.

“I am saddened by the death via execution of our two compatriots. The Chinese law that punishes death maybe harsh, but it is their law,” aniya.

Unang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sinapit ng dalawang Filipino, na nahuli noong 2013 at nasentensiyahan noong 2016.

Tumanggi ang DFA na kilalanin pa ang dalawang Filipino bilang respeto sa kahilingan ng pamilya ng mga ito.

Hinihintay na lamang din ng kagawaran ang opisyal na komunikasyon mula sa China hinggil sa naipatupad na hatol na kamatayan sa dalawang Filipino noong nakaraang Nobyembre 24.

TAGS: bato dela rosa, China, Death Penalty, Drug trafficking, bato dela rosa, China, Death Penalty, Drug trafficking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.