Cayetano nilinaw na para sa pag-iingat ang Nuclear Regulation bill

By Jan Escosio December 04, 2023 - 09:28 AM

SENATE PRIB PHOTO

Tiniyak ni Senator Alan Peter Cayetano na walang kinalaman sa pagpapatayo ng nuclear power plant sa bansa ang isinusulong na Philippine Nuclear Regulation Act.

Sa pagdinig kamakailan ng pinamumunuan niyang Committee on Science and Technology, nilinaw ni Cayetano na ang layon ng batas ay magkaroon ng institusyon na mangangasiwa sa paggamit ng “radioactive materials.”

Dininig ng komite ang Senate Bill No 1194 o ang Comprehensive Atomic Regulation at Senate Bill No. 1491 o ang Philippine Nuclear Regulation Act.

“Doon sa mga may agam-agam, may doubt sa nuclear power plant, nuclear energy: this bill is not to put up one, ani Cayetano.

Naibahagi naman ni DOST-Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) Dir. Valerie Ann Samson na hindi lamang sa power generation ginagamit ang nuclear energy kundi sa marami pang bagay tulad ng agrikultura at medisina.

Layon ng dalawang panukala na magkaroon ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o (PhilATOM) na mangangasiwa sa lahat ng mga pasilidad na gumagamit ng radioactive materials at electrically generated ionizing radiation, kabilang ang mga ospital na nag-aalok ng radiology procedures.

Sinabi ni Cayetano na ang layunin ng PhilATOM ay protektahan ang publiko mula sa hindi ligtas na paggamit ng radioactive materials.

“Para mong sinabing nag-create ka ng Bureau of Fire. Hindi mo gusto ng sunog; gusto mo ng mga tao na iwa-warn tayo, mag-i-inspect, magpi-prevent,” aniya.

TAGS: Alan Peter Cayetano, DOST, nuclear, PNRI, Alan Peter Cayetano, DOST, nuclear, PNRI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.