Senate source ng ginastang P1.8B sa biyahe ng mga kongresista fake news – Zubiri

By Jan Escosio December 04, 2023 - 05:51 AM

SENATE PRIB PHOTO

Hanggang hindi kinikilala ang empleado ng Senado na sinasabing source ng impormasyon ukol sa P1.8 bilyong ginasta diumano ng mga kongresista hindi dapat ito paniwalaan.

Sinabi ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri at aniya wala siyang alam ukol sa pagbubunyag ng dating New People’s Army (NPA) member Jeffrey “Ka Eric” Celiz, na talent ng Sonshine Media Network Inc. (SMNI).

“I have no knowledge whatsoever of anyone from the Senate leaking information to any reporter on any House matter,” pahayag ni Zubiri.

Kasabay nito, hinikayat niya ang Kamara na patuloy na imbestigahan ang kontrobersiya ukol sa magarbong biyahe ng mga kongresista.

Sa pagdinig sa Kamara, humingi na ng paumanhin si Celiz sa mga kongresista sa kanyang mga nasabi base sa maling impormasyon.

Tumanggi siyang kilalanin ang empleado ng Senado na nagbigay ng impormasyon ukol sa nagastos sa mga biyahe ng mga kongresista, kasama na si Speaker Martin Romualdez.

“Until the concerned resource speaker names a Senate employee, there is no reason to believe that these allegations are anything more than intrigues being sown to create controversy and fake news,” sabi ni Zubiri.

Aniya inirerespeto niya ang “interparliamentary courtesy” sa pagitan ng Senado at Kamara at aniya ayaw niyang magkaroon ng lamat ang malakas na ugyanan ng dalawang kapulungan.

TAGS: fake news, Kamara, Senate, SMNI, fake news, Kamara, Senate, SMNI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.