Villar nanawagan ng patuloy na marangal na paglilingkod sa Philippine Eagles
Ginawaran ng Philippine Eagle National President’s (PREXY) award si Senator Cynthia Villar.
Naganap ito sa 4th Regular Session ng 43rd National Assembly at 44th National Congress Fraternal Order of Eagles ng Philippine Eagles, Inc., sa The Tent Vista Global South, Las Piñas City, noong Nobyembre 26.
Sa pagtanggap sa naturang parangal, sinabi ni Villar na ito ay hindi lamang sumisimbolo sa kanyang pakikilahok sa mga aktibidad ng Eagles kundi pati na rin sa kanyang ibinahaging pangako na maglingkod nang may karangalan at kahusayan.
Sa kanyang mensahe, hiniling ni Villar sa Philippine Eagles na ipagpatuloy ang marangal na paglilingkod sa bayan at kapwa.
“This insight captures the essence of our mission within the Philippine Eagles. By dedicating ourselves to the well-being of others, we uncover the most authentic versions of ourselves. Our shared commitment to service not only shapes our society but also defines who we are,” sabi pa ni Villar.
“Our shared commitment to service not only shapes our society but also defines who we are,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.