Buntis patay sa magnitude 7.4 earthquake sa Surigao del Sur

By Jan Escosio December 03, 2023 - 03:52 PM

HINATUAN LGU PHOTO

Namatay ang isang buntis sa pagtama ng magnitude 7.4 earthquake sa Hinatuan, Surigao del Sur kagabi.

Ito ang ibinahagi ni Defense Sec. Gilbert Teodoro at aniya may apat iba pa na nasakyan dahil sa lindol.

Nabatid na nabagsakan ng dingding ng kanilang bahay sa Tagum City ang biktima kasabay ng pagyanig.

May 529 pamilya na binubuo ng 2,647 indibiduwal ang apektado.

Ayon pa kay Teodoro nakabalik na sa kanilang mga bahay ang mga lumikas matapos maglabas ng tsunami warning.

Alas-10:37 nang maganap ang lindol at naitala ang sentro nito silangan ng Hinatuan.

 

TAGS: earthquake, phivolcs, surigao del sur, earthquake, phivolcs, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.