Apat patay, 43 sugatan sa MSU Advent Mass bombing
Namatay ang apat katao, samantalang may 43 ang nasugatan sa pagsabog sa kalagitnaan ng pagselebra ng Banal na Misa sa loob ng Dimaporo ng Mindanao State University (MSU) kanina base sa pinakahuling ulat ng Lanao del Sur Provincial Police Office,
Isinelebra ang Misa sa Unang Linggo ng Adbiyento, na simula ng apat na linggo na paghahanda sa Araw ng Pasko.
Agad na dinalaw ni Gov. Mamintal Bombit Alonto Adiong Jr., ang mga isinugod na sugatan sa Amai Pakpak Medical Center.
Sa pauna niyang pahayag, sinabi ni Adiong Jr., na improvised explosive device (IED) ang sumabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.