Phivolcs modernization aprub kay Sen. Alan Peter Cayetano

By Jan Escosio December 01, 2023 - 07:15 PM

Hindi na nagdalawang isip si Senator Alan Peter Cayetano sa pagpapahayag ng suporta sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ito aniya ang magiging daan para mapalakas ang hazard mapping at pagpapatayo ng mas magandang imprastraktura sa tulong ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Hazard mapping (will) aid everyone doing construction, including… where to build and not to build new roads, where not to put more cisterns, where to fix everything,” sabi ni Cayetano sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Science and Technology ukol sa sa PHIVOLCS Modernization Act.

Sumang-ayon si Phivolcs Director Dr. Teresito Bacolcol at sinabi na kahit hindi kumpleto ang impormasyon, ginagamit na ng mga lokal na pamahalaan ang hazard maps ng bansa para sa kanilang comprehensive land use program.

Dagdag nito,  humihiling rin ang DPWH ng impormasyon sa lokasyon ng mga fault at kung saan itatayo ang mga tangke.

Sinabi ni Cayetano na ang pagkumpleto ng hazard map ng bansa ay makatutulong sa pamahalaan sa programang pang-imprastraktura.

Binanggit niya na ang DPWH budget para sa imprastraktura ay tumalon mula P700 bilyon hanggang P1 trilyon sa nakaraang taon.

“Out of the P1 trillion sa DPWH budget ay P250 billion ay flood control. But if you spend P30-40 billion budget on hazard mapping that informs where not to build (and) which river to protect, you may not need P250 billion in flood control in the future,” aniya.

Dagdag pa niya bagama’t hindi siya nagdududa sa layunin ng DPWH na magtayo ng malalaking imprastraktura, dapat gamitin ng gobyerno ang agham na makukuha mula sa DOST at hindi maging reaksyonaryo lamang sa pagtatayo ng mga proyekto.

“We (seem to be) neglecting science. Reaction lang kasi after reaction ang paggawa [ng daan], at tinatabunan lang ang maling gawa sa isa,” wika pa nito.

TAGS: DOST, hazard, modernization, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, DOST, hazard, modernization, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.