Go: Irespeto si dating Pangulong Duterte kapag dumalo sa mga pagdinig
Nararapat lamang ayon kay Senator Christopher Go na bigyan ng paggalang at respeto si dating Pangulong Duterte sakaling dumalo ito sa mga pagdinig sa Senado at Kamara.
Sinabi ito ni Go base sa mga pahayag na maaring paharapin si Duterte sa mga pagdinig base sa mga resolusyon na humihiling na payagan ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang ikinasang “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.
Pagbabahagi ng senador hindi pa niya nakausap ang dating pangulo ukol sa mga resolusyon sa Senado at Kamara bagamat pag-amin niya nakikipag-usap siya sa legal team ni Duterte.
Magugunita na bago mahalal na mambabatas, ilang taon na nagsilbing Special Assistant to the President si Go kay Duterte.
Kasabay nito, kinampihan ni Go si Sen. Ronald dela Rosa sa isyu.
Naniniwala ang senador na ginampanan lamang ni dela Rosa ang kanyang tungkulin bilang noon ay hepe ng pambansang pulisya nang simulan ang naging madugong kampaniya kontra droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.