Pangulong Marcos may 12 bilateral meetings sa COP28 sa Dubai

By Chona Yu November 29, 2023 - 04:09 PM

 

Labing dalawang bilateral meeting ang nakapila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sidelines sa pagdalo sa United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) sa  Dubai, United Arab Emirates.

Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreiagn Affairs Assistant Secretary Teresa Almojuela, 12 bansa na ang nagpahapayag na makausap si Pangulong Marcos.

Nasa Dubai si Pangulong Marcos sa Nobyembre 30 hanggang Disyebre 2.

Magiging abala aniya ang Pangulo sa tatlong araw na pananatili sa Dubai.

Pagkalapag pa lamang aniya ni Pangulong Marcos, agad na haharap na ito sa Filipino community.

Sa susunod na dalawang araw naman, makakasama ng Pangulo ang iba pang world leaders at magsasalita sa World Climate Action Summit.

Pangungunahan din ni Pangulong Marcos ang pagbubukas ng Philippine Pavillion.

Magsisilbi rin na keynote speaker si Pangulong Marcos sa inihahandang side event kasama ang IOM director general, kung saan tatalakayin ang pangunguna ng Pilipinas sa pagsusulong ng pagkakaisa ng mga bansa laban sa Climate Change.

 

TAGS: bongbong marcos, climate change, dubai, bongbong marcos, climate change, dubai

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.