Lumagda sa isang kasunduan si Quezon City Mayor Herbert Bautsta at mga cinema operators sa lungsod para mabigyan ng libreng admission sa sinehan ang mga persons with disability o PWDs.
Sa ilalim ng kasunduan ay maaring manood ng libre sa mga sinehan sine ang mga PWDs sa araw ng Lunes at Martes mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Kabilang naman sa cinema operator na lumagda sa kasunduan ang Trinoma, Eastwood, Fairview terraces at ang Ali Mall.
Para pakinabangan ng PWDs ang special treat ng lungsod, kailangan lang nilang magpakita ng updated at valid na PWD identification card at booklet na mula sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO).
Kabilang din sa napagkasunduan na kailangang maghintay ng isang linggo pagkatapos ng initial screening ang mga PWDs na gustong manood ng libre.
Habang dalawang linggo naman ang hihintayin ng mga PWDs para mapanood ng libre ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.
Sa datos ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, umaabot sa 22,000 ang registered PWDs sa lungsod./Jong Manlapaz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.