Bawal na ang Smartmatic Philippines na pumasok sa ano mang uri ng bidding of procurements sa Commission on Elections.
Ito ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia matapos ang en banc session sa Comelec ngayong araw.
Matatandaang naghain ng disqualification sina dating Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio Jr., dating Comelec commissioner Augusto Lagman, dating Financial Executives Institute of the Philippines president Franklin Ysaac, at retired Colonel Leonardo Odoño laban sa Smartmatic na hindi na makasama sa national elections sa 2025.
Ipinupunto ng mga petitioners ang kabiguan ng Smartmatic na magkaroon ng espisipikong minimum system capabilities sa resulta ng 2022 national elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.