People’s Survival Fund para sa climate change adaptation, iprinisinta ni Pangulong Marcos

By Chona Yu November 29, 2023 - 09:25 AM

(MPC pool)

 

Inilatag na ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang People’s Survival Fund (PS) Resolutions na nag-aapruba sa P541 milyon para sa climate adaptation projects ng mga benepisyaryong local government unit (LGU)

Batay sa Repuclic Act No. 10174, ang PSF ay may initial capitalization na P1 bilyon para pondohan ang mga programa at proyekto ng LGUs at accredited local and community organizations.

Kasunod ng pag-apruba sa anim na bagong climate adaptation projects, magiging 11 na ang PSF-funded projects at anim ang proyekto para sa Project Development Grants (PDG) na may kabuuang P889.6 milyon.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang lalawigan ng Mountain Province na tatanggap ng higit P271 milyon para sa pagtatayo ng Climate Field School (CFS) para sa mga magsasaka.

Ang Maramag, Bukidnon naman ay nakakuha ng higit P126 milyon para sa paglalagay ng drainage at early warning systems.

Ang Borongan City, Eastern Samar, tatanggap ng halos P118 milyon para sa paglalagay ng embankment infrastructure at reforestation para sa flood control ng Lo-om River.

Kasama rin ang bayan ng Cabagan, Isabela na bibigyan ng higit P21 milyon para sa irrigation project.

 

Gayundin ang Catanauan, Quezon, P264 milyon para sa Mangrove rehabilitation project.

 

Dalawang milyong piso naman ang tatanggapin ng bayan ng Besao, Mountain Province para sa Water Harvesting Structures Project.

TAGS: climate change, Ferdinand Marcos Jr., news, pera, pondo, Radyo Inquirer, climate change, Ferdinand Marcos Jr., news, pera, pondo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.