P5.678T 2024 national budget inaprubahan na sa Senado

 

Dalawamput isang senador ang bumoto pabor sa panukalang P5.678 trillion 2024 national budget.

Hindi naman bumoto si Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, samantalang wala ang magkapatid na sina Sens. Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano.

Katuwiran ni Pimentel sa kanyang hakbang na hindi dapat sinesertipikahan ang General Appropriations Bills (GAB) na “urgent.”

Kasunod nito ay sasalang na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang pambansang pondo para plantsahin ang bersyon ng Senado at Kamara.

Pangungunahan ni Sen. Sonny Angara ang delegasyon ng Senado sa bicam at makakasama niya sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Sens. Nancy Binay, Risa Hontiveros, Pia Cayetano. Bong Go, Bato dela Rosa, Win Gatchalian, Cynthia Villar, Francis Tolentino, JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na posible na mapirmahan ni Pangulong Marcos Jr., ang panukalang pambansang pondo bago ang kanyang biyahe sa Japan sa Disyembre 16 hanggang 18.

Read more...