Tolentino, Hontiveros happy sa Christmas convoy sa WPS

By Jan Escosio November 29, 2023 - 09:12 AM

 

Ikinatuwa nina Senators Francis Tolentino at Risa Hontiveros ang pagpayag ng National Security Council (NSC) na matuloy ang Christmas convoy sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Tolentino, pagpapakita ito nang pagtutulungan ng lahat, kasama ang pribadong sektor, upang maipakita sa buong mundo na ang rehiyon ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Paalala na lamang din ng senador sa Philippine Coast Guard (PCG) na bantayan ang convoy upang walang maging gusot o aberya.

Sa bahagi naman ni Hontiveros, sinabi nito na “happy development” ang desisyon ng NSC.

Aniya sa simula pa lamang ng paglalatag ng plano, nakipag-ugnayan na ang organizers sa mga kinauukulan, partikular na sa PCG at National Task Force on the West Philippine Sea.

Hangad aniya niya niya ang tagumpay ng aktibidad ng grupong Atin Ito.

 

TAGS: Christmas, Convoy, news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea, Christmas, Convoy, news, Radyo Inquirer, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.