Elepante sa Manila Zoo na si Mali pumanaw na

 

Pumanaw na ang elepante sa Manila Zoo na si Vishwa Maáli o mas kilala bilang Mali.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, 3:45 kahapon nang bawian ng buhay ang elepante.

Mahigit 40 na taon nang attraction sa Manila Zoo si Mali.

Taong 1977 nang ipadala ng pamahalaan ng Sri Lanka si Mali sa Pilipinas.

Sumasailalim na ngayon sa necropsy si Mali para matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.

 

Read more...