Nakalaya na mula sa kamay ng miltanteng grupong Hamas ng Palestine ang isa pang Filipino na bihag na si Noralyn Babadilla.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakabalik na sa Israel si Babadilla.
“Just days after expressing concern for Noralyn Babadilla’s whereabouts, I am very happy to announce that Noralyn is safely back in Israel, becoming the second Filipino released from Gaza,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ngayong nakalaya na si Babadilla, sinabi ni Pangulong Marcos na accounted for na ang lahat ng Filipino na apektado ng gulo sa Israel.
Inatasan na rin ni Pangulong Marcos ang embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na ibigay ang lahat ng kailangan ni Babadila at makipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga awtoridad sa Israel na naging susi sa paglaya ni Babadilla.
Maging ang pamahalaan ng Egypt at Qatar ay pinasalamatan ni Pangulong Marcos dahil sa mahalagang papel na ginampanan bilang tagapamagitan sa pagpapalaya sa mga bihag.
Una nang inanunsyo ni Pangulong Marcos na nakalaya na sa Hamas ang isa pang Filipino na si Gelienor “Jimmy” Pacheco.
“With this positive development, I am pleased to inform the national that all Filipinos affected by the war have been accounted for,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sina Babadilla at Pacheco ay kasama sa mga foreign nationals na binihag ng Hamas noong Oktubre 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.