Nagkasundo ang pamahalaan ng Pilipinas at National Democratic Front na simulang muli ang usaping pangkapayapaan na una nang natigil noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez, hindi ito resumption ng peace talks kundi panibagong panimula.
Ayon kay Galvez, nagkaroon ng Joint Communiqué ang pamahalaan ng Pilipinas at NDF sa Oslo, Norway noong Nobyembre 23, 2023.
“Cognizant of all serious socioeconomic and environmental issues, and the foreign security threats facing the country, the parties recognized the need to unite as a nation in order to urgently address these challenges and the resolve the reasons of the armed conflict. The parties agreed to a principle and peaceful resolution of the armed conflict resolving the roots of the armed conflict and ending the arm struggle shall pave the way for the transformation of the CPP-NPA-NDF,” dagdag ni Galvez.
“The parties acknowledged the deep-rooted socioeconomic and political grievances and agreed to come up with the framework that sets the priority for the peace negotiation with the aim of achieving the relevant socioeconomic and political reforms towards a just and lasting peace. Such framework that will set the parameters for the final peace agreement shall be agreed upon by both parties. Consequently, we envision and look forward to a country where united people can live in peace and prosperity,” pahayag ni Galvez.
Sabi ni Galvez, maaring umarangkada ang usaping pangkapayapaan sa kalagitnaan o bago matapos ang unang quarter ng taong 2024.
Kumpiyansa si Galvez na malalagdaan ang usaping pangkayapapaan bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa taong 2028.
Nilinaw naman ni Galvez na bagamat may usaping pangkapayapaan, tuloy pa rin ang operasyon ng militar laban sa makakaliwang grupo.