Distribution rate reset pinamamadali ni Gatchalian sa ERC, Meralco
Nais ni Senator Sherwin Gatchalian na atasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na bilisan ang pag-reset ng power distribution rate.
Ito ay base sa pahayag ni dating ERC Chair Agnes Devanadera sa isang pagdinig sa Kamara na noon ay sinasagot ng Meralco ang suweldo ng mga consultant ng ahensiya at ang gastos na ito ay ipinapasa naman sa mga konsyumer.
Bagamat nahinto na ito, sinabi ng senador na hindi makatuwiran na binabayaran ng Meralco ang suweldo ng ERC consultants.
“Habang inaasahan natin na ang bagong distribution rate ay magiging mas paborable para sa ating mga konsyumer, asahan natin ang isang refund kung naaangkop,” sabi ni Gatchalian.
Binigyang diin niya na dapat suriing mabuti ng ERC ang mga bahagi ng pagtukoy sa WACC ng Meralco, na nananatili sa 14.97% simula pa noong 2015. Ang WACC ay isang mahalagang papel sa pagtukoy ng distribution rates.
“Dapat siguruhin ng ERC na patas at tama ang lahat ng babayaran na pinapasa ng mga distribution utilities sa mga konsyumer. Hindi dapat nagbabayad ang mga konsyumer ng higit pa sa nararapat,” sabi pa ni Gatchalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.