Christmas convoy sa West Philippine Sea, pinayagan na ng NSC

By Chona Yu November 28, 2023 - 11:05 AM

 

Pinayagan na ng National Security Council (NSC) ang Atin Ito Coalition na makapagsagawa ng Christmas convoy sa West Philippine Sea at dumaan sa general vicinity ng Ayungin Shoal.

Ayon kay NSC spokesperson Jonathan Malaya, hindi naman advisable na magtungo ang grupo ng mga sibilyan sa BRP Sierra Madre.

“The planned Christmas convoy will pass through the general vicinity of Ayungin Shoal as far as practicable, on its way to other selected PH-occupied features to bring Christmas cheer directly to our troops assigned to those areas as well as to our fisherfolks,” pahayag ni Malaya.

Una nang pinagbawalan ng NSC ang grupo na magtungo sa BRP Sierra Madre dahil sa mataas na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Payo ni Malaya, dalhin na lamang ang mga regalo sa kanilang tanggapan at sila na ang bahala na magdala sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre.

 

 

TAGS: ayungin shoal, Christmas, news, Radyo Inquirer, ayungin shoal, Christmas, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.