Nagpahayag ng kanyang pagdudada si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa resolusyon na inihain sa Kamara para maimbestigahan na ng International Criminal Court (ICC) ang ikinasang “war on drugs” ng nakalipas na administrasyong-Duterte.
Ayon kay dela Rosa, marami din siyang mga kakilala na nagdududa sa naturang resolusyon, partikular na ang “timing” nang pagsusumite nito.
Banggit niya itinaon ang paghahain ng resolusyon na may sinabing gusot sina Vice President Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez.
Dagdag pa ng senador, mahigit isang taon na ang administrasyong-Marcos Jr., ngunit ngayon lamang inihain ang naturang resolusyon.
Ngunit, pagdidiin ni dela Rosa iginagalang niya ang naging hakbang sa Kamara alinsunod sa “inter-parliamentary courtesy.”
Paglilinaw lamang din niya, hindi ito nangangahulugan na tanggap niya ang resolusyon.