Pagtaas ng presyo ng bigas aalamin ni Romualdez ang dahilan

By Jan Escosio November 28, 2023 - 08:39 AM

 

 

Nagbabanta na tataas muli ang presyo ng bigas ngayon Kapaskuhan at sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na aalamin niya ang dahilan nito.

Kasunod ito nang pangunguna niya sa inspeksyon sa Farmers Plaza sa Quezon City para alamin ang kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan ngayon Kapaskuhan.

Aniya sang-ayon naman siya sa mga presyo ng mga bilihin ngunit hindi sa nalaman niyang mga presyo ng ibat-ibang uri ng bigas.

Nagpahiwatig ito na maaring muling magsagawa ng mga inspeksyon sa mga bodega ng bigas.

“Dun ang talagang source e ng mga trader, ng lahat ng mga importer…Local production at importation or baka kulang yung ani di ba? Pero iche-check natin, iinspect natin,” ani Romualdez.

Pagbabahagi niya ang pinakamurang bigas na kanyang nalaman sa pagsasagawa ng inspeksyon ay P45.

TAGS: Bigas, Martin Romualdez, news, Radyo Inquirer, Bigas, Martin Romualdez, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.