Pope Francis tinamaan ng flu

AFP photo

 

Isinugod sa  Gemelli hospital si Pope Francis matapos tamaan ng sakit na flu.

Ayon sa Vatican, wala namang dapat na ikabahala ang publiko dahil wala namang respiratory problem ang Santo Papa.

Nabatid na sumailalim sa CAT scan ang Santo Papa.

Matatandaan na isinugod na rin sa kaparehong ospital ang Santo Papa dahil sa respiratory infection.

Wala namang abiso ang Vatican kung matutuloy o hindi ang biyahe ng Santo Papa sa Biyernes sa Dubai para sa COP28 conference on climate change.

 

Read more...