Radio anchor at anak nito, sugatan sa pananambang sa Surigao City

By Jay Dones July 01, 2016 - 04:23 AM

 

crime-scene-e1400865926320Sugatan ang isang radio anchorman at maging ang 12-taong gulang na anak nito makaraan silang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Surigao City.

Hinala ng mamamahayag na si Saturnino Estanio Jr., anchorman ng DxRS-RMN Surigao, siya talaga ang target ng mga salarin sa pananambang bagamat nadamay lamang ang kanyang pamilya.

Sa salaysay ng biktima sa Inquirer, lulan siya at ang kanyang buong pamilya ng kanilang kotse at kahihinto lamang sa tapat ng kanilang bahay sa Bgy. Rizal nang paulanan sila ng bala ng mga salarin.

Dahil sa insidente, tinamaan ng bala sa kanyang paa at likuran ang 41-anyos na mamamahayag.

Gayunman, nasapul din ng bala sa kili-kili ang kanyang anak na si JV Estanio na nasa seryosong kondisyon ngayon sa pagamutan.

Hinala ng nakatatandang Estanio, posibleng may nasagasaan siyang mga tao sa kanyang programa sa radyo.

Si Estanio ay program host sa naturang himpilan na kalimitang bumabatikos sa mga iligal na pasugalan at iba pang iligal na gawin sa lungsod.

Partikular aniyang tinumbok ng kanyang programa kamakailan ang paglipana ng mga ‘tolilong’ o mga fruit games at video karera games sa Surigao City.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pananambang sa mamamahayag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.