Kapabilidad ng Scout Ranger palalakasin ni Pangulong Marcos

 

Palalakasin pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kapabilidad ng Scout Ranger sa bansa.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa 73rd Founding Anniversary ng First Scout Ranger Regiment sa San Miguel, Bulacan, sinabi nito na patuloy ang ginagawang pag-aaral ng Department of National Defense sa capability requirements ng Scout Ranger para mapalakas pa ang operational capabilities at maging epektibo sa pagdepensa sa bansa.

“This event is not just a celebration of history but a recognition of this unit’s pivotal role in confronting internal security threats and safeguarding our nation,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na sa mga nakalipas na taon, naging simbolo ng taga-depensa ng bansa ang Forst Scout Ranger Regiment sa pamamagitan ng pagpapakita ng loyalty at soldiery, at professionalism.

hindi rin aniya matatawaran ang kagalingan ng mga Scout Ranger mula jungle hanggang  urban warfare.

“The specialized skills in warfare, counterterrorism, and special [operations] make you indispensable to our nation’s security,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Habang nagpapalakas aniya ang Pilipinas sa external defense, mahalaga na bigyang prayoridad ang kapabilidad ng Scout Ranger.

“By providing the necessary resources and support, we will enable the Scout Rangers, including our Special Forces Units, to support the Armed Forces, as it transforms into a stronger and more reliable defense force capable of defending the country against current and emerging threats,” pahayag ni Pangulong Marcos.

 

Read more...