Mag-inang tulak, arestado sa buy-bust operation

 

Inquirer file photo

Arestado ang 16-anyos na lalaki kasama ang kaniyang ina sa isang drug buy-bust operation sa bayan ng Sipocot sa Camarines Sur.

Ayon sa hepe ng Sipocot police na si Chief Inspector Jerome Regachuelo, inutusan ng ina na si Joy Garcia ang kaniyang menor de edad na anak na dalhin ang shabu sa buyer nito dakong alas-11:40 ng umaga sa Brgy. South Centro.

Naaresto ang binatilyo matapos magbenta ng medium-sized na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000, ngunit dahil siya ay menor de edad, ipinaubaya na siya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon pa kay Regachuelo, modus talaga ng mga ito na gumamit ng bata sa pag-deliver ng kanilang mga ibinebentang iligal na droga.

Naaresto rin ang ina sa isang follow up operation, habang nakita naman sa mga record na ika-sampu pala si Joy sa drug watchlist ng probinsya.

Read more...