Anim patay sa sunog sa Candelaria, Quezon

By Chona Yu November 25, 2023 - 11:26 AM

Patay ang anim na katao matapos matupok ng apoy ang isang residential area sa Brgy. Malasukot 2, Candelaria, Quezon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Delia Cruzat, 69; Darline Joy Quirrez, 21; Priscess Joy Quirrez, 16; Kylie Joy Quirrez, 9; Tristan Jino Pola, 10; at Crissa Joy Quirrez, 18.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nakulong ang mga biktima at hindi na nakalabas ng bahay.

Nasugatan naman ang dalawang iba pa na sina Edna Cruzat, 37; at Vangie Quirrez, 48 anyos.

Dinala na sa Peter Paul Hospital Candelaria ang dalawang sugatan.

Nagsimula ang sunog kaninang 1:00 ng madaling araw bago naideklarang fire out ng 2:30 ng madaling araw.

 

 

 

 

 

TAGS: candelaria, news, patay, Quezon, Radyo Inquirer, sunog, candelaria, news, patay, Quezon, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.