Malaki ang papel na ginagampanan ng mga Certified Public Accountants sa bansa.
Sa talumpati ni Vice President Sara Duterte sa 78th Annual Convention ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) sa Sorsogon City, sinabi nito na hindi lamang sa larangan ng negosyo kundi maging sa pamahalaan at sa pagpapaunlad ng bansa mahalaga ang mga CPA.
“Dahil sa inyong eksperto kayo ay nasa posisyon upang isulong ang sound fiscal policies at pagsulong ng transparency sa gobyerno at pananagutan sa paggasta ng pera ng gobyerno at pagpapayabong ng ekonomiya ng bansa,” pahayag ni Duterte.
Hinimok ni Duterte ang mga CPA na suportahan ang national development policy ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pamamagitan ng pagsulong ng mas epektibong pamamahala at responsableng paggamit ng pondo.
Umaasa si Duterte na sa tulong ng mga CPA, mailalatag ang malakas na pundasyon para sa napapanatiling paglago ng ekonomiya at kaunlaran sa bansa.