P145 milyong halaga ng agrikultura nasira sa baha sa ilang rehiyon

By Chona Yu November 24, 2023 - 04:45 PM

 

Pumalo na sa P145 milyong halaga ng mga pananim ang nasira dahil saa pagbaha sa Regions 5,6 at 8 bunsod ng shear line at low pressure area.

Ayon kay Agriculture spokesman Assistant Secretary Arnel de Mesa, pinakamalaking pinsala ang naitala sa lalawigan ng Capiz sa Region 6 na umabot sa P 80 milyon habang nasa P45 milyong naman sa Northern Samar na sakop ng Region 8.

Ayon kay de Mesa, nasa 6,500 na magsasaga ang naapektuhan ng pagbaha.

Tiniyak naman ni De Mesa na may inihanda na ang DA na ayuda na umaabot sa P10 milyon.

Kabilang na rito ang nasa 2,100 bag ng binhi o seedlings bukod sa iba pang uri ng suporta

TAGS: baha, news, Radyo Inquirer, Samar, baha, news, Radyo Inquirer, Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.