Senate President Migz Zubiri nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng global conflicts

By Jan Escosio November 24, 2023 - 03:19 PM

 

Pagkakaisa ang unang tinukoy ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) na kasalukuyang isinasagawa sa bansa.

Aniya ang pagkakaisa ang magiging susi upang makamit ang kapayapaan hindi lamang sa Asia-Pacific Region kundi maging sa ibat-ibang dako ng mundo.

Binanggit ni Zubiri ang mga nangyayaring kaguluhan sa ilang bansa.

Dagdag pa niya ang mga nangyayaring krimen na aniya ay mas nagiging organisado at tumatawid na sa ibat-ibang bansa.

May mga pagpapakalat na rin ng mga maling impormasyon na ang layon ay pahinain ang pundasyon ng demokrasya ng mga bansa.

Ang mga ito, sambit ni Zubiri, ay nagsisilbing direktang banta sa peace and stability sa rehiyon.

 

 

TAGS: Asia, Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer, Asia, Migz Zubiri, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.