Nanawagan si Interior Secretary Benhur Abalos sa lahat ng mga lokal na opisyal na iwasan na maging “missing in action (MIA)” sa tuwing may kalamidad o sakuna sa kanilang nasasakupan.
Aniya kailangan na kailangan ng kanilang mga kababayan ang kanilang presensiya para sa kanilang mga pangangailangan.
Sinabi ito ni Abalos sa pagbisita nila ni Pangulong Marcos Jr., sa Tacloban City para personal na malaman ang sitwasyon dulot ng malawakang pagbaha.
Diin pa ng kalihim ang mga lokal na opisyal ang dapat na nangangasiwa sa mga pagtugon at hakbang sa mga epekto ng kalamidad o sakuna.
Banggit niya na ang kanyang paalala ay nakapaloob sa Operation Listo Manual ng kagawaran.
Bukod kina Pangulong Marcos Jr., Abalos, kasama din sa pagbisita sa Tacloban City sina Defense Sec. Gilbert Teodoro at Social Welfare Sec. Rex Gatchalian.