China itinuro ni Hontiveros na ugat ng kaguluhan sa WPS

By Jan Escosio November 24, 2023 - 03:06 PM

 

Binuweltahan ni Senator Risa Hontiveros ang China sa pahayag na gumagawa ng gulo ang Pilipinas sa West Philippine Sea.

Pagdidiin ni Hontiveros malaya ang Pilipinas na makapag-patrulya sa ating teritoryo kasama ang sinuman ang ating nais makasama dahil karapatan ito ng ating bansa bilang isang sobereniya.

“Sa katunayan, bilang tagapagtaguyod ng multilateralism sa ating foreign relations, matagal na akong nanawagan para sa joint patrols kasama ang ibang mga bansa, hindi lamang ng Estados Unidos,” ayon sa senadora.

Dagdag pa niya: “Bukas din tayo sa magkasanib na maritime exercises kasama ang ating mga kapit-bansa sa Timog-silangang Asya, Japan, Australia, India, at iba pang kapangyarihang pandagat na nakaangkla sa isang rules-based order sa West Philippine Sea at sa buong South China Sea.”

Aniya ang tanging nais ng China ay pigilan tayo sa pakikipag-ugnayan sa mga kaalyado ng Pilipinas dahil batid nito na hindi nila kakayanin ang isang matibay na alyansa.

“Kung may problema ang Tsina sa presensya natin sa sarili nating katubigan, walang pumipigil sa kanila para umalis,” dagdag pa ni Hontiveros.

 

TAGS: bully, China, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, West Philippine Sea, bully, China, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.