Pangulong Marcos maayos na ang kalagayan

 

Nasa maayos na kalagayan na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay matapos sumama ang pakiramdam ng Pangulo at hindi nakadalo sa dinner reception ng opening ng 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum.

Katunayan, pinasinayaan ni Pangulong Marcos ang pagbubukas ng Healthway Cancer Care Hospital sa Taguig City kaninang umaga.

“Basically, just ran out of steam. hindi pa ako nakapag-recover sa biyahe. I suppose I just needed rest. I am fine now. Thank you for your concern,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Isang linggo sa Amerika si Pangulong Marcos para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit.

Read more...