Anim timbog sa Globe cable thefts sa Maynila

By Jan Escosio November 24, 2023 - 12:46 PM

 

Naaresto na ang anim na responsable sa pagbagsak ng serbisyo ng Globe sa Maynila.

Sina Edwin Zulueta, Kyle Epola, Joenel Caparas at Jennerold Ellore ay nahulu sa M.H. del Pilar St., Malate. Sila ang itinuturong pumutol at tumangay ng 200 pares ng Innove copper cable wires noong Setyembre 20.

Bunga ng kanilang ginawa, naapektuhan ang serbisyo sa ilang bangko, klinika at isang electronic store.

Makalipas ang tatlong araw, may isa pang suspek na nahuli matapos nakawin ang kable sa kanto ng UN Avenue at Ma. Oroso Street., na nakaapekto sa mga bangko at klinika sa lugar.

Kasunod nito ang pagkaka-aresto kay Jayson Picardo ng Bantay Kable – NCR matapos maaktuhan sa pagputol sa 21 metro ng copper cable sa kanto ng UN Avenue at Gen. Luna street, na nakaapekto sa maraming negosyo.

“At Globe, we deeply value the trust of our customers place in is. Every cable represents a lifeline for someone- be it for work, learning, or staying in touch with loved ones. By joining forces with local agencies, we’re not just combating cable theft, we’re safeguarding the very connections that bind our community together,” ani Gerardo Recio, Globe Enterprise and Corporate Operations chief.

Sa unang kalahati ng taon, may 1,181 insidente na ng pagnanakaw ng kable ang naitala ng Globe, na halos 100 porsiyento na mas mataas kumpara sa naitala sa kabuuang ng 2022.

TAGS: Globe, manila, Radyo Inquirer, timbog, Globe, manila, Radyo Inquirer, timbog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.