Kwestyunable para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung dapat pang makipagtulungan ang Pilipinas sa imbestigasyon ng International Criminal Court kaugnay sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ni Pangulong Marcos matapos maghain ng resolusyon ang Kamara na humihikayat sa Punong Ehekutibo na makipagtulungan sa ICC.
Ayon kay Pangulong Marcos, wala namang unusual o kakaiba sa resolusyon ng Kamara.
“This is not unusual. It’s really a sense of the House resolution and the sense, they are just expressing or manifesting the sense of the House that perhaps it’s time to allow or to cooperate with the ICC investigations,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“But as I have always said there are still problems in terms of jurisdiction and sovereignty. Now if we can solve these problems then that would be something else but medyo fundamental yung mga kwestyon na ganun eh. Because if you are talking about the jurisdiction of the ICC especially sicne that we have withdrawn from the Rome Statute few years back, that brings into question whether or not this is actually possible,” dagdag ng Pangulo.
Marso 2019 nang kumalas ang Pilipinas sa ICC.
Sabi ni Pangulong Marcos, pinag-aaralang muli ng pamahalaan kung babalik ang Pilipinas sa ICC.
“There is also a question, should we return under the fold of the ICC, so that’s again under study. So we’ll just keep looking at it and see what our options are,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na tapos na ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa ICC.
“Para sa akin simple lang naman yang issue na yan eh, hindi naman siguro tama na ang tiga labas, ang mga dayuhan ang magsasabi sa atin kung sino iimbestigahan ng pulis natin, sino ang aarestuhin ng pulis natin, sino ang ikukulong ng pulis natin, hindi naman siguro tama yun, dapat Pilipino lang ang gumagawa niyan. May pulis naman tayo, may NBI tayo, may DOJ tayo, kaya nila ang trabahong yan, and that’s really where the conflict is,” pahayag ni Pangulong Marcos.