CPP-NPA-NDF binigyan ng amnestiya ni Pangulong Marcos

 

Binigyan ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang miyembro ng rebeldeng grupo kasama na ang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Base sa Executive Order No. 47 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binigyan ni Pangulong Marcos ng amnestiya ang makakaliwang grupo para mahikayat na magbalik loob sa pamahalaan.

Kasama sa mga binigyan ng amnestiya ang Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade; Moro Islamic Liberation Front at Moro National liberation Front.

Inaamyendahan din ng EO ang Executive Order No. 125, series of 2021, o ang pagbubuo ng  National Amnesty Commission (NAC).

Batay sa inilabas na kautusan sinabi ng Pangulo na wala nang pangangailangang baguhin o i update sa functions ng  National Amnesty Commission para masakop ang bagong proseso sa pag a-apply para sa amnestiya batay na rin sa bagong proclamations.

Ang  Commission ay binuo sa ilalim ng EO No. 125 kung saan ipagpapatuloy nito ang functions at idi-  dissolved kapag nakumpleto na ang kanilang mandato o depende sa desisyon ng pangulo.

Hindi naman sakop sa proklamasyon ang mga rebelde na nakagawa ng  kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism, crimes committed against chastity.

Maging  crimes committed for personal ends, paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Paglabag sa Geneva Convention of 1949, at  genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforced disappearances, at iba pang paglabag sa karapatang pantao

Hindi rin sakop ng amnestiya ang mga nahaharap sa kasong  rebellion o insurrection; conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection; disloyalty of public officers or employees at iba pang mabibigat ng krimen.

 

 

 

Read more...