Pamimigay ng ayuda sa mga biktima ng baha sa Samar pinamadadali ni Pangulong Marcos

By Chona Yu November 23, 2023 - 02:22 PM

(PPA)

 

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan na madaliin ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng baha sa Northern at Easter Samar dahil sa shear line.

Personal sanang bibisitahin ni Pangulong Marcos ang mga residente sa Samar subalit hindi nagawa dahil sa sama ng panahon.

Sa halip, nagtungo na lamang si Pangulong Marcos sa Tacloban City at nagsagawa ng Zoom meeting kasama ang mga lokal na opisyal ng Samar.

Sa naturang pulong, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Public Works and Highways (DPWH)na tiyakin na madadaanan ang mga kalsada para mabilis na maipamahagi ang relief goods.

Sa ganitong paraan, matitiyak din ayon sa Pangulo na madadala ang mga pagkain.

“The public works – as soon as the public works is able to enter, do the necessary repairs so that bigger vehicles can enter – as soon as it’s passable all efforts can go in and do the repairs necessary,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We are doing everything that we can. But let’s work with those who are in the evacuation centers – pati na ‘yung mg nasa bahay pa … we have to go and make sure that they get the food packs, they get sufficient water supply,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Nasa 100,000 na food packs na ang inihanda ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian para sa mga apektadong residente.

Isinasapinal na rin ngayoon ni Gatchalian ang listahan ng mga biktima na partially o totally damage ang bahay.

Ito ay para may mapag-basehan ang DSWD sa pamamahagi ng financial assistance para makabangong muli ang mga residente.

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture (DA) na tiyakin na may makukuhang ayuda ang mga apektadong magsasaka.

Mamahagi aniya ang DA ng seedlings at iba pang agricultural products.

 

TAGS: ayuda, dswd, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Samar, shear line, ayuda, dswd, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Samar, shear line

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.