Reclamation project sa Dumaguete, ipinatigil ng PRA

By Chona Yu November 23, 2023 - 01:32 PM

 

Photo credit: Atty. Alex Lopez/Facebook

Pansamantalang ipinatigil ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang operasyon ng Dumaguete City Reclamation Project.

Ito ay matapos mabatid na walang Clearance at Environmental Clearance Certificate mula sa PRA ang 1.7 ektaryang “Seawall for Shoreline Protection” o “Pantawan II” sa kahabaan ng Rizal Boulevard sa Dumaguete City sa Negros Oriental.

Ayon kay PRA chairman Attorney Alexander Lopez, nakatanggap ng reklamo ang kanilang hanay mula sa mga residente kaugnay sa hindi awtorisadong reclamation project.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang PRA  katuwang ang Department of Environment and Natural resources, local government units at iba pang stakeholder.

Ayon kay Lopez, kapag napatunayan na lumabag sa regulatory requirements ang reclamation project, babawiin ito ng gobyerno.

Pakiusap ni Lopez sa mga stakeholders, maging responsable sa pagsasagawa ng coastal development at environmental preservation projects.

 

TAGS: dumaguete, news, Radyo Inquirer, reclamation project, dumaguete, news, Radyo Inquirer, reclamation project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.