Apat na bata patay sa sunog sa Cebu

By Chona Yu November 23, 2023 - 12:23 PM

 

Patay ang apat na bata matapos matupok ng apoy ang tinitirhang bahay sa Sitio Capaculan, Barangay Tisa, Cebu City.

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, kabilang sa mga nasawi ang 11 buwang na sanggol na lalaki.

Nakilala ang mga nasawi na na magkakapatid na sina Angelo Bayaton, 10; Crylle Bayaton, 6; Christina Bayaton, 1; at ang 11 buwang sanggol na si Amari Zane Cabornay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, hindi nakalabas ang mga biktima sa dalawang magkahiwalay na bahay na nasunog.

Dalawang iba pa ang naiulat na nasugatan matapos ang sunog.

Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog bago mag 6:00 kaninang umaga at inabot ng 15 minuto bago naapula.

Nabatid na maagang pumasok sa trabaho ang mga magulang ng magkakapatid na Bayaton.

 

TAGS: bata, cebu, news, patay, Radyo Inquirer, sunog, bata, cebu, news, patay, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.