Komento ng DOJ sa witnesses’ transfer request sa de Lima case hiningi
Binigyan ng tatlong araw ng isang korte sa Muntinlupa City ang panig ng prosekusyon sa natitirang drug case ni dating Senator Leila de Lima upang sumagot sa hirit ng ilang testigo na mailipat ng kulungan.
Sa isang pahinang kautusan ni Presiding Judge Gener Gito, kailangan makapagsumite ng kanilang komento o oposisyon ang panig ng prosekusyon.
Ang kautusan ay inilabas kahapon, Nobyembre 22.
Unang naghain ng kanilang manifestation with urgent motion to issue order to transfer custody of inmates ang mga testigo, na pawang nakakulong ngayon sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Kinabibilangan sila nina German Agojo, Peter Co, Tomas Donina, Jerry Pepino, Jaime Patcho, Engelberto Durano, at Hans Anton Tan.
Nangangamba sa kanilang buhay ang mga naturang bilanggo matapos nilang bawiin ang kanilang testimoniya laban kay de Lima.
Anila pinilit at pinagbantaan lamang sila para idiin si de Lima sa drug trade sa pambansang piitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.