Senior citizens sa QC tumanggap ng regalo

By Chona Yu November 23, 2023 - 09:28 AM

 

May maagang pamaskong handog ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga senior citizens.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nasa 1,935 na senior citizens mula sa District 2 ang nabigyan ng regalo.

Samantala, nasa 3,000 na Barangay Public Safety Officer (BPSO) volunteers mula sa Brgy. Bagong Silangan, Brgy. Batasan Hills, at Brgy. Payatas ang nakatanggap ng Christmas bags.

Isinagawa ang pamamahagi sa Commonwealth Heights Covered Court sa pangunguna ni Action Officer Atty. Bong Teodoro.

Hindi rin pinabayaan ng lokal na pamahalaan sa Pamaskong handog ang mga Muslim.

Nasa 2,500 na Christmas bas ang ipinamahagi nina District 6 Action Officer Mark Aldave at DC Ronald Tolentino sa mga residente ng Salam Compound sa Brgy. Culiat.

TAGS: christmas gift, news, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer, christmas gift, news, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.