Kaligtasan ng binihag na 17 Filipino sa Red Sea, prayoridad ni Pangulong Marcos

(Reuters)

 

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na prayoridad ng administrasyon ang kaligtasan at mapalaya ang 17 Filipinong marino na binihag ng rebeldeng Houthis sa Red Sea sa Yemen.

Ayon kay Pangulong Marcos, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan mailigtas lamang sa kamay ng mga rebelde ang mga Filipinong marino.

Sabi ni Pangulong Marcos, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa kanilang counterparts sa Iran, Oman, Qatar, at Saudi Arabia para sa updates sa sitwasyon.

Ang Department of Migrant Workers naman anya ay regular ang komunikasyon sa mga pamilya ng mga hostage.

Pagtiyak ni Pangulong Marcos, hindi nag-iisa ang mga Filipinong marino at sisikapin ng Pilipinas na maiuwi ang mga ito nang ligtas.

Batay sa pahayag ng DFA, hinayjack ng mga rebeldeng Yemeni ang barkong Galaxy Leader at binihag ang 25 tripulante nito kabilang ang 17 Filipino bilang ganti sa pag-atake ng Israel sa Gaza

Read more...