Driver ng SUV sa nag-viral na road rage sa Mandaluyong kakasuhan ng ride hailing company na Angkas

 

Kakasuhan ng  Ride Hailing Company na Angkas ang driver ng  SUV  kaugnay sa naganap na road rage na  nag-viral  sa social media  makaraang  sadyang  banggain ang  kanilang isang motorcycle riding taxi dahilan para masugatan ang kanilang driver at sakay nito sa Mandaluyong City.

Ito ang sinabi ni Angkas CEO George Royeca makaraang mahuli ng mga pulis Mandaluyong  ang driver ng   SUV van na may Plate number NEM  7804  na si Pedro N. Magalit .

Una nang nag viral ang insidente na nakapost sa social media  na nagpapakitang kusang binangga ng naturang SUV ang motorsiklo ng Angkas rider na  nangyari kahapon, Nobyembre 22 ng  umaga sa bahagi ng EDSA Santolan sa Mandaluyong City

Sa viral video nakitang  binabaybay ng Angkas rider ang kahabaan ng EDSA Southbound nang bigla itong banggain ng kulay orange na Suzuki XL7 na may plakang NEM 7804 .

Sa video nakitang  nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng rider at ng driver ng SUV hanggang sa banggain na niya ang Angkas Rider  dahilan upang tumilapon ang rider at ang kaniyang pasahero.

Sinabi ni EPD Director Wilson Asueta na nasa kanilang custody na ang naturang SUV driver makaraang mahuli.

Anya  inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.

Ang Angkas rider at pasahero nito ay patuloy na naka confine sa Mandaluyong City medical Center para magpagaling ng mga tinamong sugat kaugnay ng insidente.

Read more...