17 Vietnamese nasagip ng PCG

By Chona Yu November 22, 2023 - 03:28 PM

 

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 17 Vietnamese crew ng bahagyang lumubog na barko sa karagatan ng Balabac, Palawan.

Ayon sa PCG, karga ng Viet Hai Star ang 4,000 tonelada ng bigas at sumadsad sa Balabac port bago bahagyang lumubog.

Umalis ng Ho Chi Minh City sa Vietnam ang barko at patungo sana sa Cagayan de Oro nang madiskubre ng mga crew na may tumatagas sa gilid ng barko.

Agad naman na nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG kung saan nailigtas ang 17 dayuhan.

Nasa maayos naman na kalagayan ang 17 dayuhan at dinala na sa Balabac port.

Nagsasagawa na rin ang PCG ng oil spill assessment sa karagatan.

Sa inisyal na pagsusuri ng PCG, negatibo naman sa oil spill ang lugar.

TAGS: Balabac, coast guard, news, Palawan, Radyo Inquirer, vietnamese, Balabac, coast guard, news, Palawan, Radyo Inquirer, vietnamese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.