Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang Balut Island, Sarangani kaninang 10:48 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 173 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II sa General Santos City; Glan, Alabel, Malapatan, Malungon at Kiamba sa Sarangani; Tupi, Tampakan, Koronadal City, Tboli sa South Cotabato.
Naramdaman naman ang Intensity I sa Polomolok, Surallah at Lake Sebu sa South Cotabato; at Maasim at Maitum sa Sarangani.
Wala namang inaasahang aftershocks at nasirang ari-arian matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.