Tigil pasada ng Manibela, Piston umarangkada na

 

 

Bukod sa tigil pasada, nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Piston mula Espana patungo sa Mendiola sa Manila.

Ayon kay Mody Floranda, presidente ng Piston, ito ay para ipanawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na itigil ang implementasyon ng phaseout ng mga jeep.

Sabi ni Floranda, tutol din sila sa itinakdang deadline ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na Disyembre 31 para sa consolidation ng prangkisa ng mga public utility vehicle para maging kooperatiba.

Sabi ni Floranda, kapag isinurender ng kanilang hanay ang prangkisa, wala nang panghahawakan na prangkisa ang mga operator.

Bukod sa Piston, umarangkada na rin ang tatlong araw na tigil pasada ng grupong Manibela.

Nagsagawa rin ng kilos protesta ang grupo sa University of the Philippines sa Quezon City.

Read more...