400 residente sa Samar inilikas ng PCG

 

Nailigtas ng Philippine Coast Guard ang may 400 na residente sa Samar na nalubog sa matinding pagbaha.

Ayon sa PCG, humigit-kumulang sa 80 pamilya mula sa Brgy. Macagtas, Brgy. Molave, Brgy. Yakal, Brgy. Narra at Brgy. Ipil-ipil ang nailigtas ng kanilang hanay.

Puspusan din ang evacuation at rescue operation na isinagawa ng mga PCG personnel at iba pang first responders sa mga munisipalidad ng Biri, Palapag, at San Jose, Northen Samar.

Nakararanas ng pagbaha ang Samar dahil sa shearline.

 

Read more...