P303.5 milyong pondo para sa pagtatayo ng 120 silid-aralan, inilabas ng DBM

By Chona Yu November 22, 2023 - 08:14 AM

 

Manila PIO photo

Inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas sa P303.5 milyong pondo para sa Department of Education at Department of Public Works and Highways.

Ayon kay Pangandaman, gagamitin ang P303.5 milyong pondo sa pagpapatayo ng 120 silid-aralan sa 21 lugar sa bansa.

Paliwanag ni Pangandaman, kailangan na palakasin ang sektor ng edukasyon bilang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng social at human development.

“Education is a chance for every Filipino to improve his or her quality of life. Education empowers us to achieve genuine prosperity as well. But it is also a shared responsibility to work together for the country to achieve complete economic healing and recovery. Let us continue to invest in education,” pahayag ni Pangandaman.

Ipinunto rin ni Secretary Pangandaman na ang pagpapalabas ng pondo ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na paghusayin ang mga pasilidad ng edukasyon upang makalikha ng ng magandang kapaligiran para sa pag-aaral ng lahat ng mga estudyante, kabilang ang mga mga nasa malalayong at mahirap abutin na mga lugar.

“Bilin po ng Pangulo na dapat bigyan natin ng disente at secured na lugar ang ating mga estudyante at guro para maayos silang makapag-aral at makapagturo. Dapat equal po ‘yan at walang pinipiling lugar. Nasa Maynila ka man o sa malayong probinsya, dapat maayos ang education facilities para sa ating mga guro at estudyante,” pahayag ni Pangandaman.

Ang kabuuang awtorisadong alokasyon para sa Special Provisions ng FY 2023 DepEd budget na P15.7 bilyon ay ginagamit na ng DPWH. Kabilang dito ang P15.6 bilyon para sa pagpapagawa, pagpapalit, at pagkumpleto ng mga kindergarten, elementary at secondary school buildings, at technical vocational laboratories, at iba pa.

TAGS: Amenah Pangandaman, Budget, Department of Education, news, Radyo Inquirer, Amenah Pangandaman, Budget, Department of Education, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.