(Inquirer photo)
Tuloy ang imlementasyon ng number coding scheme ngayong araw.
Ito ay kahit na sasabayan ng grupong Manibela ang tigil pasada ng grupong Piston.
Ayon sa Metro Manila Development Authority, tuloy ang panghuhuli ng kanilang hanay sa mga sasakyan na lalabag sa number coding scheme.
Ipinatutupad ang number coding scheme simula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes.
Para sa mga sasakyan na nagtatapos ang plaka ng 1 at2 ay bawal bumiyahe ng araw ng Lunes, 3 at 4 sa Martes, 5 at 6 sa Miyerkules, 7 at 8 sa Huwebes at 9 at 0 sa Biyernes.
Sinimulan ng grupong PIston ang tatlong araw na tigil pasada noong Lunes habang simula naman ngayong araw ang tatlong araw na tigil pasada ng Manibela.
Tinutulan ng grupo ang phaseout sa mga tradisyunal na jeep.
Samantala, sinabi ng MMDA na nasa 686 na assets ang naka-standby ngayon at handang umalalay sa mga stranded na pasahero.